Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10 taon nagtago! Wanted dinakma sa Bulacan

0 349

Natunton ng Cavite Police sa Bulacan ang tinaguriang top 2 wanted sa probinsya na 10 taong nagtago makaraang mapatay ang kanyang live-in partner.

Kinilala ang suspek na si Reagan Isagani Santos, ng Brgy. Aplaya Munti, Cavite City. Nakatanggap ng tip ang pulisya na ang suspek ay namataan sa Hagonoy, Bulacan dahilan upang magsagawa ng surveillance at nang nagpositbo ay inihanda ang warrant of arrest.

Agad nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad sa Brgy. San Pascual, Hagonoy.

Abril noong 2010 nang pagbabarilin ng suspek ang isa nitong kapitbahay, tiyuhing si Adolfo Santos at ang kaniyang kinakasama na si Alona Bautista sa Cavite City. Napatay nito ang kinakasama habang nagtamo din ng mga tama ng bala ang dalawa pang biktima na kapwa ligtas sa insidente.

Nagtago na ito matapo sang krimen pero makalipas ang mahigit sa 10 taong pagtatago naisilbi rin sa suspek ang kasong murder at frustrated murder. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.