Abante Tonite Interactive

10 toneladang hotdog na botcha kinumpiska

322

Kinumpiska ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board ang may 10.3 metriko tonelada ng mga botcha na hotdog at peking duck kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Ala-una ng madaling-araw nang salakayin ng mga tauhan ng VIB ang isang bodega sa Binondo kung saan nakaimbak ang mga botcha.

Ang nasabing mga botcha na nakalagay pa sa mga kahon ay hinihinalang nanggaling sa ibang bansa.

Nabatid na una nang nakakumpiska noong Miyerkoles ng 3 tonelada ng peking duck ang VIB sa isang bodega sa Navotas.

Ito umano ay nakumpiska sa MinFei Yang Company sa may Capulong St., Tondo at sa Jalin Yang ware House.

Hindi idinetalye ng VIB kung saan itatapon ang mga nakumpiskang hot dog at peking duck. (Juliet de Loza-Cudia)