Abante Tonite Interactive

10 toneladang isda nasabat sa Legazpi

By
10

Umaabot sa 10 toneladang mga frozen na isda na nagkakahalaga ng P800,000 ang nasabat ng mga awtoridad sa Port of Legazpi sa Albay kahapon ng hatinggabi ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 5.

Ang mga nasabat na isda na nakarehistro sa kompanyang Nelly Fish Product at Nelly Aquino ng taga-Daet, Camarines Norte ay pinipigil ngayon sa BFAR matapos na walang maipakitang dokumento.

Napag-alaman na galing pa ang mga isdang galunggong, timon-timon, tulingan at mackerel sa Navotas fish port at ibiniyahe ng isang barko patu­ngo sa Legazpi port upang dalhin sana sa Daet, ­Camarines Norte.