Abante Tonite Interactive

100-anyos na pawikan nalambat

312

Isang Green Sea Turtle na nalambat sa isang baklad ang pinalad pang mabuhay matapos masagip ng Bantay Dagat ng Silay City, Negros Occidental sa gitna ng karagatang sakop ng Negros Occidental.

Nabatid na ang pawikan ay tinatayang nasa isang daang taon na at may timbang na 210 kilo.

Ayon kay Ryan Geguera, coordinator ng Bantay Dagat, bago na-trap sa baklad ang nasabing pawikan ay posibleng naghahanap ito ng makakain kaya napadpad ito at sumabit sa baklad.

Ang mga Green Sea Turtle ay karaniwang nakikita sa Apo Islands sa Negros Occidental ngunit pinangangambahang malapit nang maubos ang kanilang lahi. (Vick Aquino)