Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100 bahay natupok sa Baseco

0 230

Tinatayang nasa 100 bahay ang naabo matapos sumiklab ang isang sunog Huwebes ng hapon sa may Blk 1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection sumiklab ang sunog dakong alas-2:25 ng hapon na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out pasado alas-4 ng hapon.

Nagsimula umano ang sunog sa isang bahay malapit sa kapilya at maging ang mga residente ay tumulong na rin sa mga bumbero para maapula ang apoy.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa nahanap na sunog.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matuloy ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.