Abante Tonite Interactive

100 bahay sa Obando natupok

By
0 102

Sumiklab ang mala­king sunog na tumupok sa mahigit 100 bahay bunga ng naiwang kandila sa Sitio Smokey Mountain sakop ng Brgy. Paliwas, Obando, Bulacan kamakalawa nang gabi.

Wala pang tiyak na halaga ng mga ari-arian na nilamon ng apoy na nagsimula pasado alas-10:00 nang gabi. Mabilis na kumalat ang apoy dahil bukod sa gawa sa mga light material ang kabahayan ay dikit-dikit pa ang mga ito.

Mahigit isang oras ang lumipas bago tuluyang naapula ang sunog. Nasa evacuation center ng pamahalaang-bayan ng Obando ang mga nasunugan habang iniimbestigahan pa kung mayroon pang ibang dahilang ang sunog. ()