Abante Tonite Interactive

100 bumbero nakakasuhan ng arson kada taon

30

Alam ba ninyo na sa buong mundo ay umaabot sa 100 bumbero kada taon ang nakukulong dahil sa kasong arson, sila ang mga serial arsonist na pumasok bilang bumbero. Ginagawa nila ito dahil sa pera, ang iba naman ay mayroong psychological disorder.

***

Alam nyo ba na ang dinamita ay hindi sasa­bog kapag ihinagis sa apoy. Nangangailangan pa ito ng detonator o mitsa para sumabog. Sa katunayan sa malalamig na lugar ay inilalagay pa ng mga minero sa kawali ang dinamita para uminit at madaling pasabugin sa tulong ng mitsa.

Abante Hiring – IT dep

***

Ang bark ng punong redwood ay fireproof at ‘di nasusunog. Karaniwang kapag nagkakaroon ng forest fire ang loob lang ng punong ito ang nilalamon ng apoy.

***

Paalala sa mga naninigarilyo, alam nyo bang sa London ay may kakaibang istorya na naging dahilan ng malaking sunog. Isang itinapong may sinding si­garilyo ang tinuka, binitbit at dinala sa pugad ng isang ibon sa taas ng bubong na pinagmulan ng apoy.

***

Ang isang may faulty wiring na washing machine ay madalas na pagmulan ng sunog kaysa sa ibang appliances sa kusina.

***

Ang fire sprinkler systems ay unang ginamit noong 1860 bilang pamatay sunog.

***

Ang isang bumbero ay kinakailangang makapagsuot ng uniporme ng ‘di lalampas sa dalawang minuto. Karaniwang ang kumpletong gear ng isang bumbero ay tumitimabang ng 80 hanggang sa 120 lbs.

***

Sa bansang Japan noong taong 1603 hanggang 1867, ang mga bumbero ay may kakaibang paraan para patayin ang sunog, ilan dito ay ang pagbasa sa kanilang mga uniporme na lalong nagpapabigat dito na umaabot sa 75 lbs ang timbang.