Abante Tonite Interactive

100-day maternity leave bill, overdue na

By
1,624

Nagkaisang nanawagan ang mga kongresista mula sa hanay ng administrasyon at oposisyon na aprubahan na ang House Bill (HB) No. 4113 na nagsusulong ng “expanded maternity leave” para sa mga kababaihang nagtatrabaho sa pribadong sektor at gobyerno.

Iginiit nina Gabriela Women’s Party Rep. Emmi De Jesus, Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr., at Akbayan Rep. Tom Villarin ang kahalagahan na maipasa ang HB 4113 o “100-day Maternity Leave” bill.

Binigyan-diin ni De Jesus na mahigit isang taon ng nakabinbin at nabitin sa second rea­ding ang panukala.
Sinabi ni De Jesus na dapat ng aksyunan ng Kamara ang natu­rang panukala lalo na’t naaprubahan na ang counterpart bill sa Senado noong nakaraang linggo.

Abante Hiring – IT dep

Ayon naman kay Herrera-Dy, dumaan na sa ilang Kongreso ang naturang panukala kaya naniniwala siya na lulusot na itong ngayong 17th Congress.

Sinasabing ang Pilipinas ang may pinakamaikling maternity leave sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa kasalukuyang batas ay pinapayagan lamang ang 60 araw na maternity leave para sa normal na panganganak habang 78 araw naman kung caesarian ang pagsisilang ng sanggol.