Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100 ecstasy tablet mula Netherlands nasabat

0 35

Dinakip ng mga awtoridad ang dapat na tatanggap sa isang kargamento sa Bulacan na naglalaman ng nasa 100 tabletas ng ecstasy.

Nalaman sa Bureau of Customs-Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) na ang nasamsam na ecstacy ay mula sa The Netherlands at may street value na P170,000.

Nabatid sa isinagawang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tulong ng mga miyembro ng BOC-NAIA Enforcement and Security Service, ang shipment ay naharang sa Central Mail Exchange Center.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Idineklarang ‘letter’ ang shipment pero nang isagawa ang physical examination ay nakita na naglalaman ito ng 100 piraso ng ecstasy tablet.

Nasa kustodiya ngayon ng PDEA ang hindi pinangalanang claimant at inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act laban dito.

Bago ito, Nobyembre 16, naaresto rin ng awtoridad ang claimant ng package na naglalaman ng mahigit P3 milyong ecstasy tablet na nakadeklara bilang wedding dress. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.