Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100 judge-at-large, marshal kasado pondo – Angara

0 292

Inaasahang mapapabilis ang paglilitis ng maraming nakabinbing kaso sa korte dahil sa suportang ibinigay ng Kongreso sa ilalim ng 2021 national budget para sa pagkuha ng judge-at-large, ayon kay Senador Sonny Angara.

Sabi ni Angara, nanguna sa maagang pag-apruba ng 2021 General Appropriations Act bilang chairman ng Senate committee on finance, nasa P244.988 milyon ang isinama sa pondo ng hudikatura ngayong taon para sa implementasyon ng Republic Act No. 11459 o Judges-at-Large Act of 2019

Nilagdaan ang RA 11459 noong Agosto 13, 2019 kung saan mandato nito na magtatag ng mga posisyon para sa mga judge-at-large sa regional (RTC) at municipal trial court (MTC) upang mabawasan ang mga nakabinbin na kaso.

Walang permanenteng sala ang mga judge-at-large at maaaring italaga ng Korte Suprema bilang acting o assisting judge sa mga RTC o MTC. Subalit

tatanggap sila ng suweldo at iba pang benepisyo katulad sa isang regular judge.

Samantala, nabatid na kasama rin sa 2021 budget ng hudikatura ang P50 milyon na gagamitin sa pagkuha ng mga marshal para i-secure ang mga mahistrado, hukom at iba pang opisyal ng korte.

Ang pagsama ng nasabing pondo ay bunsod ng apela ng hudikatura na magkaroon ng judicial marshal service dahil sa mga banta at pag-atake laban sa mga opisyal ng korte sa bansa.

Nakatakdang aprubahan ng Senado ang panukalang Judiciary Marshals Act, kung saan isa sa mga may-akda si Angara, ngayong taong ito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.