Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100 kostumer sa `gay bar’ multa ng tig-P5K

0 67

Pinagmulta ng tumataginting na tig-P5,000 ang may 100 kostumer na naaresto sa loob ng isa umanong ‘entertainment bar’ sa Quezon City, nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa QC Task Force Disiplina na pinamumunuan ni Rannie Ludovica, nakatanggap umano sila ng impormasyon na may isinasagawang ‘big night’ sa 690 Entertainment Bar na kilala umanong ‘gay bar’ sa lungsod.

Agad namang nagsagawa ng ‘surveillance’ ang awtoridad saka sinalakay ang bar at tiniketan ang mga nahuling kostumer dahil sa paglabag sa curfew at COVID-19 health protocols.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa nasabing paglabag, nabatid pa ng mga awtoridad na palso na ang business permit ng nasabing bar para sa operasyon. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.