Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100 nakiramay kay gov nalason sa sandwich

0 122

Umabot sa mahigit 100 katao ang isinugod sa pagamutan matapos umanong ma-food poison ng kinaing egg sandwich na ipinamigay sa libing ng yumaong ama ni Catanduanes Governor Joseph Cua nitong Sabado sa bayan ng San Andres.

Nakaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at mataas na lagnat ang mga biktima. Isinugod ang 94 sa mga ito sa ospital sa bayan ng San Andres, 16 pa ang dinala sa magkaibang pagamutan, bukod dito ang ilan na pinili na lang sa bahay magpagaling.

Pinaniniwalaan na ang diumano’y egg sandwich na ipinamahagi sa mga nakipaglibing ang naging dahilan ng food poisoning sa mga biktima. Ayon sa gobernador, ipina-cater nila ang nasabing pagkain para sa 600 katao para sa libing ng kanyang ama. Sa ngayon, lahat naman aniya sa mga ito ay nasa maayos nang kalagayan.

Sasagutin din ng mga Cua ang hospital bill at iba pang gamot ng nasabing mga pasyente hanggang sa bumuti ang mga lagay nito. Ipapatawag naman ng awtoridad ang caterer na siyang gumawa ng egg sandwich para sa kaukulang imbestigasyon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.