Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100 pamilya nasunugan sa QC

0 101

Nasa 100 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na tumupok sa 30 kabahayan sa Quezon City, nitong Sabado ng hapon.
Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection, alas-12:44 ng hapon (June 26) nang sumiklab ang apoy sa 55 Road 7, Brgy. Project 6, Quezon City, na pagmamay-ari ni Ma. Theresita Sastre, 49.
Nagsimula umano ang sunog sa stock room sa ikalawang palapag na inookupa ng pamilya Sastre at mabilis na kumalat sa mga kalapit-bahay na pawang gawa sa light materials.
Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang under control dakong alas-2:09 ng hapon.
Humigit-kumulang sa P100K ang natupok. Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaalam pa ang sanhi ng sunog. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.