Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100 sabik sa foreigner na-scam

0 400

Walang pinipiling panahon ang mga kawatan sa paghahanap ng bibiktimahin kahit nasa gitna ng COVID-19 crisis.

Nilantad ng Bureau of Customs ang pagsirit ng mga kasong iniimbestigahan nila ukol sa bagong modus na tinatawag na ‘love scam’.

Sa nasabing scam, papaibigin ng banyaga ang isang Pinoy, kung saan pag-aaralan ang mga aktibidad nito sa social media para magkaroon ng ideya sa mga hilig para mapalapit sa bibiktimahin.

“Ang targeting is through the social media accounts ng mga kababayan natin. Nagko-conduct sila ng some sort of a background check doon sa tao, sa mga activities niya,” ayon kay Customs assistant commissioner Vincent Maronilla sa panayam ng `24 Oras’.

Kapag nagtagumpay na sa pagkuha ng loob ng Pinoy ay saka gagawin ang scam, magkukunwaring may pinadalang malaking pera o package na kailangang tubusin sa BOC, ngunit sa remittance center pinapapadala ng mga scammer ang pera na diretso na sa kanilang mga bulsa.

“‘Pag kinontak ‘yung biktima, sasabihin na naipit sa amin dito sa Bureau of Customs at may kailangang bayaran para mailabas ‘yung kargyamento. Ang unusual is that napapayag silang magbigay at magdeposito sa remittance centers,” lahad pa ng Customs official.

Ayon sa Customs, sa huling tatlong buwan sa pandemya, higit 100 kaso na ang kanilang iniimbestigahan na nabiktima ng nasabing modus ng mga banyaga, ang isang kaso pa ay nakuhanan ng P100,000.

Kaya naman nagbabala ang BOC na dapat ay magbayad sa mga accredited na bangko at sa kanilang tanggapan para sa mga buwis kaugnay ng mga naipit na package, at iwasang magtiwala sa mga nais na padalhan ay mga remittance center.

Leave A Reply

Your email address will not be published.