Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100 tindahan sa Visayas sinita ng DTI

0 159

Nagpalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng notice of violation (NOV) at letter of inquiries (LOI) sa 100 establisimiyento sa Central Visayas dahil sa pagiging pasaway umano ng mga ito sa ipinatutupad na Price Freeze Order at Fair Trade Law para sa hanay ng mga retailer at construction material na binili makaraan ang pananalasa ng bagyong ‘Odette’ sa rehiyon.

Ayon sa DTI-Central Visayas, ang 12 mula sa 16 establisimiyento na inisyuhan ng NOV at 76 mula sa 84 binigyan ng LOI ay matatagpuan sa Bohol.

Ang natitirang apat na binigyan ng NOV at walong pinasahan ng LOI ay nasa Cebu naman.

Saad ng ahensya, karamihan sa mga violator ay mga supermarket at tindahan na nagbebenta ng mga pangunahing construction material.

SM food to go Banner Ad

Maaari umano silang maparusahan sa paglabag sa Price Ceilings na may multang hindi bababa sa P5,000 pero hindi hihigit sa P1 milyon.

Para naman sa paglabag sa Illegal Price Manipulation tulad ng profiteering, hoarding at kartel, ang mga mapagsamantalang negosyante ay maaaring patawan ng multang hindi bababa sa P5,000 pero hindi hihigit sa P2 milyon.

Samantala, hinikayat ng DTI-7 ang publiko na maging mapagbantay at agad ipaalam ang mga mapagsamantalang retailer sa kanila. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.