Abante Tonite Interactive

1,000 rider sa Pasig tutulong kontra krimen

365

By Vick A­quino

Agad na inaprubahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang programang Pasig City Anti-M.R.S. (Motorcycle Riding Suspect) Patrol o PcamP na naglalayong s­uportahan ang aksyon ng mga motorcycle riders para makatulong sa pagsugpo sa krimen katuwang ang Pasig Police.

Nilagdaan kahapon ang memorandum of agreement sa pagitan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, hepe ng Pasig City Chief Police Col. Rizalito Gapas at mahigit 1,000 rider-volunteers na nagkasundong magtulungan sa pagmo-monitor ng street crime at iba pang road safety.

Umaabot sa 30 motorcycle clubs ang nakiisa sa programang PcamP na nangakong ipatutupad ang tamang pagsusuot ng helmet at pananatilihin ang road safety.
Sa kabila nito, nagpasaring naman si Mayor Sotto na hindi ‘anti-misis’ o ‘anti-wife’ ang programang kundi Anti-Motorcycle Riding Suspect Patrol na wala umanong dapat na alalahanin ang mga kababaihan sa mga makikisig na motorcycle riders.

Matatandaang binatikos ni Sotto sa pagiging binata ngunit giit nito na sa trabaho muna ang kanyang focus.

“Magiging extra hands and eyes ang motorcycle riders, talagang umiikot sila hindi lang sa Pasig kundi Metro Manila so makakatulong po talaga,” paliwanag ng alkalde.

Ayon naman kay Eastern Police District director Police Brig. Gen. Nolasco Bathan, una nang nagpatupad ang Mandaluyong City na pag-ban sa mga riders na walang helmet at ang pagbabawal ng angkas sa motorsiklo.
Inaasahan na magtatagumpay ang prog-rama upang tuluyang masawata ang masasamang element sa kalsada na pinangungunahan ng mga m­otorcycle riding-in-tandem na gumagawa ng krimen.