Abante Tonite Interactive

10,000 artista, staff ‘hostage’ sa abs-cbn

573

Muling umapela ang Defend Job Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte na isalba ang trabaho ng libo-libong manggagawa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pagkakaloob ng panibagong 25 taon prangkisa sa higanteng TV network.

Ang apela ay ginawa ng labor group matapos na manindigan si Duterte na hindi niya lalagdaan ang legislative franchise para sa ABS-CBN.

Nabatid na ang legislative franchise ng ABS-CBN ay mag-e-expire sa Marso 30, 2020 kung saan aabot sa 6,730 ang regular employee, 900 non-regular worker­s at mahigit sa 3,325 ang talents base sa 2018 report to ng Securities and Exchange Commission at Philippine Stocks Exchange.

Una nang pinandigan ni Pa­ngulong Duterte ang pahayag laban sa ABS-CBN dahil sa pag­kabigo ng network na iere ang kanyang presidential campaign advertisement noong 2016 dahil ang kompanya umano ay political bias.

“Ang inyong franchise mag-end next year. If you are expecting na ma-renew yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out,”
“Being vital in operating for the next 25 years, the legislative franchise of ABS-CBN will save the jobs and source of livelihood of more than 10,000 Filipino wor­kers and their families,” ayon kay Christian Lloyd Magsoy, spokesperson ng Defend Job Philippines.

Sinabi ni Magsoy na dapat isantabi ang politika at personal na galit ng mga pulitiko para sa napipintong pagkawala ng trbaho ng libo-libong manggagawang Filipino.

Hindi umano dapat na maging hostage at maging biktima ng anumang political action ng gobyerno ang mga manggagawa.

Iginiit ng grupo kay Duterte na resolbahin na lamang ang kanyang naging problema sa ABS-CBN management sa tamang venue.

Samantala, inamin naman ni Alan Tanjusay ng Associa­ted Labor Unions Trade Union Congress of the Philippines na 5,000 ABS-CBN emplo­yees ang natatakot umanong mawalan ng trabaho sakaling ituloy ang pagharang sa network’s franchise na makapag-operate uli. (Juliet de Loza-Cudia)