Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100,000 nurse biyaheng Amerika

0 52

Mahigit 100,000 healthcare worker sa bansa ang naghihintay na maaprubahan ang kanilang visa para makapagtrabaho sa Amerika kung saan mataas ang pangangailangan para sa mga nurse dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Isiniwalat ito kahapon ni Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez sa isang panayam sa ANC at sinabing maraming nakabinbin na visa application ng mga Pinoy nurse sa Amerika.

“There are quite a number of pending visas for nurses from the Philippines that I think are being considered now very seriously that they’d like to bring them over. These are nurses that have already been approved [of] moving to the United States as health workers,” ayon kay Romualdez

Sinabi pa ni Romualdez na mataas ang pangangailangan ng Amerika para sa mga nurse at doktor kung kaya’t ilang nurses association na aniya ang humingi ng tulong sa kanila para makakuha ng visa.

“The demand for health workers and nurses here in th US is very, very high and that’s why there’s quite a number of nurses associations here who have already asked us to help in getting their visas that have been asked for many of the hospitals here in the US,” sabi ni Romualdez.

Sa ngayon aniya, nasa 150,000 hanggang 200,000 Pinoy healthcare worker na ang nasa Amerika.

Nakikitang dahilan ng mataas na demand ng Amerika para sa mga healthcare worker ay ang mataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID sa kanilang bansa.

“They only have about a 62 percent rate of those who are vaccinated, that’s why their hospitals are a bit overwhelmed,” ayon pa kay Romualdez.

Aminado si Romualdez na mas gusto ng Amerika na magtrabaho sa kanila ang mga healthcare worker na galing sa Pilipinas.

“Well yes. There’s no doubt about that. They are so much appreciated. The demand is high for Filipino nurses,” sabi ni Romualdez. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.