Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100K manok positibo sa bird flu, kinatay

0 93

Mahigit 100,000 manok sa mga farm sa Sto. Tomas, Pampanga noong Lunes ang agad na kinatay matapos magpositibo sa bird flu.

Ayon sa ulat, ipinag-utos ni Mayor John Sambo ang pagpatay sa mga manok upang hindi na kumalat ang bird flu sa lugar.

Batay sa ginawang testing ni Crispulo Bautista, director ng Department of Agriculture (DA) sa Central Luzon, positibo sa influenza Type A subtype H5N1 virus ang ilang manok sa Barangay San Bartolome.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, nitong Martes ay nasa 250,000 manok pa ang nakalinya upang patayin.

Unang tumama sa lalawigan ng Pampanga ang avian flu noong 2017. Nasundan ito noong 2021. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.