Abante Tonite
Mabilis sa Balita

100K OFWs napauwi na sa probinsya

0 279

Nasa 95,702 overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi na ng gobyerno dahil sa coronavirus pandemic, ayon sa ulat ng labor department.

Ang pinakabagong batch ng 1,691 home-bound OFWs na nasuring negatibo lahat sa Covid 19, ay pinasakay pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya noong Sabado base sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration.

Noong Mayo, mahigit sa 34,000 mga OFW ang pinauwi ng gobyerno sa kani-kanilang mga rehiyon, at kasunod nito ang higit sa 61,000 sa sumunod na mga buwan.

Sa gitna ng mga pagdagsa ng pagbabalik ng mga OFW, tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na gagawin lahat ng gobyerno ang lahat ng paraan upang matulungan ang mga OFW na mabawi ang mga trabaho na nawala sa ibang bansa dahil sa pandemya. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.