Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1,044 pulis nahawa ng coronavirus

0 195

Umabot na sa 1,044 ang confirmed coronavirus disease (COVID-19) case sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP).

Base sa inilabas na tala ng PNP, sa 1,044 na nagpositibo sa nakahahawang sakit, nasa 462 na ang naka-recover habang nanatili sa siyam ang nasawi. Nasa 651 ang probable case habang habang ang suspected case ay nasa 1,364.

Ang pagtaas ng bilang ng naaapektuhan ng COVID-19 ay dahil umano sa isinagawang test. Patuloy pa ang pagsasagawa ng swab test sa mga tauhan ng PNP. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.