Abante Tonite
Mabilis sa Balita

105 kawani ng barangay, sinalang sa swab test

0 213

Isinailalim ngayon sa swab test para sa Reverse Transcription –Polymerace Chain Reaction (RT-PCR) testing ang may 105 staff ng isang barangay sa Valenzuela City.

Ayon kay PB Graciano Victoriano, Chairman ng Barangay Bignay ng nasabing lungsod, hindi lang ang mga staff ng barangay hall ang isasailalim sa RT-PCR testing kundi pati na ang mga medical at non-medical frontliners sa kanilang barangay.

Hangad nito na masiguro na hindi tinamaan ng Coronavirus 2019 (COVID-19) ang kanyang mga staff ngayong may pandemic.

Ang Bignay na sakop ng unang distrito ng Valenzuela City ay may area na 268.8 at may 22, 423 populasyon.

Paglilinaw ni PB Graciano, hindi apektado ang operasyon at transaksyon ng kanilang barangay kahit pa isinailalim ang mga kawani nito sa nasabing testing. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.