Abante Tonite
Mabilis sa Balita

108 barangay sa Cordillera sapol ng ASF

0 40

Nasa 108 barangay sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang apektado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Department of Agriculture (DA)- Cordillera.

Ayon sa DA-Cordillera, itong mga barangay na apektado ng ASF ay mula sa Apayao, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province.

May kabuuan anilang 232 kaso ng ASF sa naturang rehiyon.

SM food to go Banner Ad

Sa datos ng ahensiya, sa 232 na ito, 85 ang naitala sa Apayao; 57 sa Kalinga; 31 sa Benguet; 26 sa Ifugao; 21 sa Abra; at 12 sa Mountain Province.

Ayon kay DA-Cordillera regional director Cameron Odsey, mahigit 2,800 backyard farmer na sa CAR ang naapektuhan sa nasabing sakit ng mga baboy. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.