Abante Tonite
Mabilis sa Balita

109M Pinoy papasanin P10T utang ng gobyerno

0 286

Malapit nang umabot sa P100,000 ang utang ng bawat isang Pilipino, sanggol man o matanda, base sa populasyon na 109 milyon.

Ayon sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), umabot na sa P10.8 trilyon ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas noong Marso. Ito na ang pinakamalaking pagkakautang sa kasaysayan ng bansa matapos na dagdagan ng P368 bilyon ang utang.

Mas umasa ang pamahalaan sa pangungutang simula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19 dahil bumagsak ang koleksyon nito sa buwis at iba pa dahil maraming negosyo ang nagsara at nawalan ng trabaho ang mga maraming tao.

SM food to go Banner Ad

Hindi pa kasama sa kuwenta ang bagong inutang na P122 bilyon noong Abril sa pamamagitan ng pag-isyu ng global bond.

Sabi ng BTr, P7.7 trilyon sa utang ay galing sa loob ng bansa at P3 trilyon naman ang inutang sa mga dayuhan o sa labas ng Pilipinas. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.