Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10K COVID case sumalubong sa ECQ

0 246

Sumampa na sa 10,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 case sa buong Pilipinas nitong Lunes, Marso 19, na unang araw ng balik-enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ito’y matapos ang tatlong araw na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 9,000 bagong kaso ng COVID-19.

Base sa COVID-19 Case Bulletin No. 380 na inilabas ng DOH nitong Lunes, umabot sa 10,016 ang mga bagong kaso ng coronavirus infection.

Dahil dito, umakyat sa 731,894 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.

Nadagdagan naman ng 78 bagong gumaling kaya nasa 603,231 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.

Samantala, 16 ang nadagdag sa mga namatay sa virus kaya umakyat na sa 13,186 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

May 115,595 naman ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sakto sa unang araw ng balik-ECQ ang pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mahigit 10,000.

Leave A Reply

Your email address will not be published.