Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10K daily namumuro! NCR balik high risk sa COVID

0 104

Nagpahayag ng pagkabahala ang OCTA Research group kasunod nang patuloy na pagtaas ng COVID reproduction number na nasa 1.15 dahil sa banta ng Delta variant.

Sinabi ni OCTA Prof. Guido David na ang infection rate sa NCR ay bumaba na sa 0.6 matapos na ipatupad ang istriktong quarantine nang magkaroon ng surge.

“Pero tumataas na siya. Last week nasa 0.9 na. Ngayon kasi tumaas na ulit, 1.15 na siya,” ayon kay David.

Ipinaliwanag ni David na kapag ang reproduction number ay nasa 1.15, nangangahulugan na ang 10 indibiduwal na may infections ay maaring makahawa ng 11 tao.

“So it means nasa high risk na ang NCR ngayon sa reproduction number,” ayon pa kay David.

Ayon pa kay David, tinataya nila na posibleng umabot sa 10,000 kada araw ang maitalang impeksiyon sa mga susunod na linggo dahil medyo mabilis ang pagdami ng kaso.

Naniniwala si David na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay dahil sa madaling makahawa na Delta variant. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.