Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10K empleyado ng gobyerno na-virus

0 207

Nasa 10,344 na mga empleyado ng gobyerno ang nagpositibo sa COVID-19 base sa datos ng Civil Service Commission (CSC) hanggang nitong Agosto 5.

Subalit mas malaki pa umano ang bilang ng mga nagtatrabaho sa gobyerno na hinihinalang may COVID-19 na naitala sa 14,696.

Sa kabila nito, sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na patuloy pa rin nakapaghahatid ng mga importanteng serbisyo ang gobyerno dahil mayroong mga alternatibong work arrangement at guideline na inilatag para sa mga ahensya ngayong may pandemya.

Base pa sa datos na sinumite sa CSC, hanggang nitong Miyerkoles, Agosto 5, nasa 153 na ang ahensya ng gobyerno ang naka-lockdown dahil sa COVID-19 infection pinakamarami sa National Capital Region, 108, at sa Region 6 o Western Visayas, 11. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.