Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10K Pinoy abroad tinamaan ng virus

0 53

Umabot na sa 10,117 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nagkasakit dahil sa COVID-19 pandemic sa ibang bansa, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.

Sa pinakahuling case bulleting ng DFA, sinabi ng kagawaran na may isa pang Pinoy ang tinamaan ng COVID subalit wala namang bagong ini-report na nasawi o gumaling mula sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa sa Asia at Pacific.

Wala rin umanong mga bagong COVID-19 report hinggil sa mga Pinoy sa Americas, Europe at Middle East.

Nananatili pa rin sa 6,284 ang bilang ng mga Pinoy abroad na nakarekober sa virus habang 758 pa rin ang nasawi at may 3,075 naman ang ginagamot pa. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.