Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10K sa PNP ikakalat ngayong Labor day

0 168

Magpapakalat ng 10,000 pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang masiguro ang peace and order at health protocols sa gagawing ibat-ibang kilos protesta sa paggunita ng Labor Day.

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Vicente Danao Jr., ang gagawin nilang pagpapakalat ng kapulisan sa Metro Manila ay may koneksyon sa mga mass actions ng ibat-ibang sector sa paggawa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.

Naka-activate na ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) mula sa Regional Headquarters para sa posibleng augmentation ng local police force na magbabantay sa mga concerned areas bago at pagkatapos ng pagdiriwang, bukod dito ay naka-standby na rin ang Civil Disturbance Management Team para sa posibleng deployment kung kinakailangan.

“Umaasa tayo na magiging tahimik, mapayapa at ligtas ang gagawin nating pag gunita sa nalalapit na Araw ng mga Manggagawa 2021 sa Kamaynilaan,” saad ni Danao. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.