Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10K taga-Valenzuela sinalang sa swab test

0 206

Mahigit 10,000 residente sa Valenzuela City ang sinailalim na sa swab test para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula Marso hanggang Hunyo 30 ngayong taon.

Ayon sa report ng City Epidemiology and Surveillance Unit kay Mayor Rex Gatchalian, mula sa 664,613 kabuuang populasyon sa una at ikalawang distrito ng lungsod, nasa 10,977 na ang sinalang sa swab test.

Base sa datos, 9,365 ang sinailalim sa swab test na binalikat ng pamahalaang lungsod at ng katuwang na laboratoryo. Habang nasa 1,612 ang swab sample na mula sa ibat-ibang public laboratory.

Target ng pamahalaang lungsod na makunan ng swab test ang kahit na P2% ng populasyon sa Valenzuela City para matiyak na hindi na kakalat pa ang COVID-19. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.