Abante Tonite Interactive

10M pamilyang mahirap may ₱36B UCT sa badyet

0 138

May laang karagdagang P12 bilyon ang 2019 badyet ng pamahalaan para sa Unconditional Cash Transfer (UCT) program nito na pakikinabangan ng mga 10 milyong pa­milyang mahihirap, para maibsan ang epek­to sa kanila ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na nasa likod ng UCT at TRAIN, itataas ng dagdag na P12 bilyon sa P36 bilyon ang dati nang laan para sa mahihirap. Sa ilalim nito, tatanggap ng buwanang P300 kalahati ng pinakamahirap na pamilya, mas mataas sa dating P200 na tinatanggap nila.

Isang kilalang ekonomista, ipinanukala ni Salceda ang UCT bilang bahagi ng TRAIN. Mangangahulugan ito ng karagdagang 6.7% kita ng mahihirap. Ang pondo nito ay magmumula sa dagdag na buwis sa gasolina na ang 54% ay ginagamit ng 20% lamang ng mga Pinoy na may kaya.

Makikinabang dito ang mababang kalahati ng tinatayang 20 mil­yong pinakamahihirap na pamilya

Itinuturing ni Salceda na isang “legislative breakthrough” ang UCT na magiging mo­delo ng isang “universal basic income regime” kung saan matitiyak ng estado na ang mahihirap na pamilya ay magkakaroon ng kakayanang matamo ang mga pa­ngunahin nilang pa­ngangailangan nang hindi sila nasisikil.