Abante Tonite
Mabilis sa Balita

10PM curfew hinirit ng pulis-Cebu

0 88

Hiniling ng Cebu City Police Office (CCPO) na ibalik ang dating curfew sa alas-10:00 ng gabi.

Sa ulat, sinabi ni Police Lt. Col. Wilbert Parilla, deputy director for operations ng CCPO na irerekomenda nila kay Mayor Edgardo Labella na ibalik ang curfew sa dating oras na 10PM.

Sa isang press conference, sinabi niyang naobserbahan nilang marami pang tao sa labas ng mga bahay kahit gabi na dahil alas-11:00 pa nagsisimula ang curfew sa lungsod.

Sa ngayon ay 11PM hanggang 5AM ang curfew sa Cebu City. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.