Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 Abu Sayyaf sumuko sa militar

0 46

SUMUKO sa militar ang 11 miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu, ayon sa Armed Forces of the Philippines’ Western Mindanao Command.

Sinasabing miyembro ang mga sumuko ng grupo ni Mundi Sawadjaan at Radulan Sahiron.

Sumuko sila kay Colonel Antonio Bautista Jr, commander ng Philippine Army’s 1101st Brigade.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinuko din nila ang matataas na kalibre ng mga armas tulad ng M16 Armalite at nd M1 Garand rifles.

“The returnees will be undergoing the Social Integration Program managed by the LGU and JTF Sulu. They have undertaken their physical and medical examination at Camp Bautista Station Hospital today and will go through profiling process for the next few days prior to the administration of psychosocial interventions,” sinabi ni Major General William Gonzales.

Sinabi naman ni Bautista na ipapasok ang mga sumuko sa livelihood trainings at seminars na isasagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Ministry of Basic, Higher at Technical Education of the Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

Ayon sa WestMinCom, aabot na sa 344 Abu Sayyaf members ang sumuko. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.