Abante Tonite Interactive

11 barangay sa Zamboanga nilunod ni ‘Marilyn’

218

Umaabot sa 754 pamilya ang inilikas mula sa 11 barangay sa Zamboanga City matapos ang matinding pagbaha dulot ng tropical depression Marilyn.

Ayon kay Ma. Socorro Rojas, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) head, pansamantalang naninirahan sa covered court at ilang paaralan ang mga nasalanta ng pagbaha.

Sinabi nito na halos nasira ang mga kabahayang yari sa mga light material at inanod ng baha partikular na sa Brgy. Tumaga.

Nilinaw naman ni Clint Senosa, City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) operations officer na wala namang nai-report na mga casualty sa pagbaha dahil naging maagap sila sa pagpapalikas sa mga naapektuhang residente. (Vick Aquino)