Abante Tonite Interactive

11 Chinese, Korean business sa Boracay pinasara

358

Labing-isang establisimiyento sa Boracay Island na pag-aari ng mga negosyanteng Chinese at Koreano ang ipinasara ng Interagency Task Force dahil sa paglabag sa batas.

Kabilang sa mga naturang establisimiyento ay ang Bella’s Bar and Restaurant, Great Wall Inn and Restaurant, Old Captain Cuisine, Ken Minimart, Ken St., Island Staff Restaurant, Coco Spa, Kim Ji Man, W Hostel Boracay Dragon, VIP Souvenir Shop at YH World Network Service Inc.

Ito’y matapos matuklasan na walang permit at clearance ang mga nabanggit na negosyo para makapag-operate sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, inabisuhan din ng task force ang mga establisimiyento sa Boracay na may mga dayuhang manggagawa o empleyado na siguraduhing mayroong hawak na valid work permit at visa ang mga ito.