Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 dedo kay ‘Maring’, publiko pinag-iingat

0 67

Pinag-iingat ng Malacañang ang publiko sa peligro na dulot ng bagyong ‘Maring’, lalo na sa ilang bahagi ng Luzon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naka-monitor sila sa ginagawang rescue operations ng awtoridad sa mga lugar na sinagasa ng bagyo sa Region 2 at 8.

Sa huling tala ng NDRRMC, 11 katao na ang nasawi habang pito pa ang nawawala dahil sa paghagupit ni ‘Maring’ sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Roque, nakahanda na ang higit P128 milyong standby fund ng Department of Social Welfare and Development bilang pang-alalay sa mga biktima ng bagyo, bukod pa sa family food pack na ipapamahagi sa mga naapektuhan ng bagyo na nagkakahalaga ng lampas P219 milyon.

Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Palasyo, kumilos na ang mga tauhan ng AFP, PCG, PNP at BFP para sa clearing operations sa mga naapektuhang lugar, at ginagawa na rin ang pagpapanumbalik ng kuryente at tubig doon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.