Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 dinakma sa shabu

0 179

Naaresto ng mga operatiba ng Station Drug En­forcement Unit ng Kamuning Police Station (PS 10) ang 11 sinasabing tulak ng iligal na droga sa isinaga­wang buy-bust operation sa isang apartelle sa Que­zon City, Biyernes.

Kinilala ni PLt. Col. Alex DJ Alberto, Station Commander ng PS 10, ang mga nadakip na sina Ibra­him Pundug alias ‘Ryan’, 23; Jefferson Sayson, 41; Walter Laureta Jr., 26; Bryan Brion, 28; Maria Teresa Osarion, 21; Joseph Gaborni, 34, pawang resi­dente ng Barangay Tata­lon; Charlie Marciano, 26; Renan Federizo, 40, kapwa naninirahan sa Barangay Roxas District; Ameril Gonzalo Jr., 21, ng Baran­gay Doña Imelda; Sammy Penaranda, 25, ng Baran­gay Paligsahan, at Cherry Ann Ramos, 31, naninira­han sa Barangay Manresa.
Sa report, bandang alas-3:00 ng hapon, . nang maares­to ang mga suspek sa Room 3A, Casa Amore na matatagpuan sa Sct. Chua­toco, Barangay Roxas Dis­trict sa nasabing lungsod.

Isang pulis ang tumayong buyer at nang abutin ni Pundug ang halagang P6,500 kapalit ng shabu ay saka na ito dinakma, maging ang mga kasamahan na nasa loob ng apartelle.

Nakumpiska umano sa mga suspek ang si­yam na sachet ng shabu na may timbang na 16 gramo at nagkakahalaga ng P108,800, drug para­phernalia at dalawang cellphone na ginagamit sa transaksyon.

Nakapiit na ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanila. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.