Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`11 Konsensya’ alay ni Abante founder Rio Alma sa ABS-CBN

0 984

Nagbigay pugay ang National Artist for Literature at Abante founder na si Virgilio Almario sa 11 kongresista na bomoto pabor sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Inilabas ni Almario, na gumagamit ng pen name na Rio Alma, sa kanyang Facebook page ang ginawa nitong tula ng pagpupugay kina Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, Manila 4th District Rep. Edward Vera Perez Maceda, Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr., North Cotabato Rep. Jose `Ping-Ping’ Tejada, Batangas 4th District Rep. Lianda Bolilia, Basilan Rep. Mujiv Hataman, Laguna Rep. Sol Aragones, Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, at Batangas 6th District Vilma Santos-Recto.

Pinamagatan ni Almario ang kanyang tula ng “Labing Isang Konsiyensiya”

kung saan sa unang salita ng bawat talata ay mabubuo ang salitang “BUDHI”.

Nakasaad sa ilalim ng tula na ginawa ito ni Almario noong Hulyo 11, 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.