Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 overstaying Tsino, bawal na sa `Pinas

0 101

Iniutos ng Bureau of Immigration (BI) na ilagay sa blacklist ang labing-isang Chinese national na pinalayas dahil sa pagiging overstaying.

Inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente ang kautusan matapos silang paalisin sa bansa at patawan ng mga multa dahil lumabis ang kanilang pamamalagi.

SM food to go Banner Ad

“These aliens are now barred from re-entering the Philippines for violating the conditions of their stay. They were allowed to come here by availing a visa upon arrival (VUA), yet they abused that privilege by overstaying without valid reason and justification at all,” sabi ng komisyuner.

Napag-alaman na ang 11 na naka-blacklist na Chinese ay dumating sa magkakahiwalay na mga petsa noong Nobyembre at Disyembre 2019 at Enero 2020, na nag-overstay sila ng siyam hanggang 10 buwan. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.