Abante Tonite Interactive

11 pasahero ng jeep sinalpok ng nakatulog na SUV driver

218

Sugatan ang 11 pasahero ng jeep makaraang salpukin ng isang rumaragasang sports uti­lity vehicle (SUV) ang kanilang sinasakyan kahapon nang umaga sa Sorsogon City.

Base sa report, naganap ang aksidente bandang alas-6:04 Sabado nang umaga sa Brgy. Pampang nang makatulog umano ang driver ng SUV driver habang nagmamaneho pauwi ng bahay sa Brgy. Rizal.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver at agad na sumalpok sa paparating na jeep na patungo sa bayan ng Irosin at doon na nagmula ang disgrasya na ikinasugat ng 11 pasahero nito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Sorsogon Police upang makasuhan ang driver ng SUV. (Vick Aquino)