Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 raliyista vs anti-terror law dinakma

0 277

Dinampot ng mga pulis ang 11 katao kabilang ang 4 na menor de edad na nagsagawa ng rally para tutulan ang anti-terror law sa Laguna noong Sabado.

Ayon sa report ng Laguna police, wala umanong permit to rally at lumabag sa quarantine protocol ang mga raliyista.

Mula sa mga grupong Anak Bayan, Gabriela, Karapatan Southern Tagalog at Bayan Southern Tagalog ang nagsagawa ng kilos protesta at programa sa harap ng barangay hall ng Pulo sa Cabuyao City.

Ayon sa mga awtoridad, lumabag sa social distancing ang grupo at umalma rin nang tangkain ng mga tauhan ng Philippine Army at Cabuyao City Police Station na buwagin ang rally.

Kinustodiya ng Cabuyao City police ang siyam na protester habang itinurn-over sa Women and Children Protection Desks (WCPD) ang apat na menor de edad.

Kinumpiska rin ang mga placard, mga banner at mga pamphlets na dala ng mga raliyista na naglalaman ng mga pagtutol sa kakapasa pa lamang na Anti-Terror bill at nilagdaan ng pangulo nitong nakaraang linggo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.