Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 sugarol nakorner ng PNP

0 48

Labing-isang sugarol ang nadakip ng pulisya makara­ang magsagawa ng anti-illegal gambling operation at mahuli umano sa akto ang mga suspek na nagtutupada at sugal na pusoy sa San Jose del Monte (SJDM) City at Pandi, Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Base sa report ng pulisya, nakilala ang mga naarestong sina Raul Nadera, Aljon Aducal, John Royet Nieves, Ronald Abucal, na pawang residente ng Brgy. Sto. Cristo, SJDM City, at Baltazar Macasa ng Brgy. Graceville ng nasabi ring siyudad na nadakip sa iligal na sabong; at sina Racquel De­liarte, Allan Tenso, Reynegin Establecida, Jennifer Martinez, Lilibeth Francisco at Perla Hilario, pawang nakatira naman sa Brgy. Cacarong Matanda, Pandi.

Dakong alas-4:10 ng hapon nang salakayin ng SJDM Police ang tupadahan sa Tierra Heights sa Brgy. Sto. Cristo kung saan nakorner ang mga suspek at narekober ang dalawang tinale, mga tari ng manok, at P1,500 bet money.

Samantala, nakorner naman habang naglalaro ng pusoy sa Brgy. Cacarong Matanda, alas-2:15 ng hapon, ang anim katao, kabilang ang apat na magkakapitbahay na babae. Nakuha umano mula sa kanila ang gambling paraphernalia, kabilang ang isang set ng playing cards at pera. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.