Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11-taong nagtago, killer timbog

0 63

Nagwakas ang mahigit 11-taong pagtatago ng isang killer matapos maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 11 kamakalawa sa may 7th Avenue, Caloocan City.

Nabatid na ang suspek na si Danbert Reyes, 31, helper at taga 2701 Lico Street, Tondo, Maynila ay nasa no.1 Most Wanted Person ng MPD-PS 11 at may kasong murder

Alas-3:45 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Jacob Industrial Shop sa may 7th Ave., Caloocan City.

Si Reyes ay may nakabinbing warrant of arrest sa sala ni Judge Carmelita Manahan, Presiding Judge ng RTC Br. 16 Manila at may criminal case no. 09-270546 na nangyari noong Setyembre 10, 2009.

Isang impormante ang nagbigay-impormasyon sa kinaroroonan nito.

Maayos namang sumama sa mga pulis ang suspek na nasa kustodya ng MPD-PS 11. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.