Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 tauhan ng DPWH nireklamo sa korapsyon

0 133

Iniimbestigahan ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 11 tauhan nito na nahaharap sa mga alegasyon ng korapsyon.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na kabilang ito sa mga aksyon na ginawa ng internal task force na nag-iimbestiga sa umano’y mga anomalya sa loob ng kagawaran.

Aniya, inisyuhan ng show cause order ang 11 tauhan ng DPWH para magpaliwanag kasunod ng mga reklamo mula sa ibang stakeholder ukol sa procurement at pagkaantala sa implementasyon ng ilang proyekto.

Tiniyak ni Villar na bibigyan ng pagkakataon ang mga nireklamo na magbigay ng komento sa mga alegasyon laban sa kanila.

“We have to also look at the evidence. Kasi minsan it could be that minsan pini-pressure lang, tinatakot,” sabi pa ni Villar sa isang virtual media forum nitong Miyerkoles.

Depende naman aniya ang magiging parusa sa bigat ng kaso at maaaring patawan din ng mga kasong administratibo at kriminal ang mapapatunayang nagkasala.(Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.