Abante Tonite
Mabilis sa Balita

11 timbog, P1M shabu sinamsam sa Makati drug den

0 71

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon, PDEA RO-NCR, at Makati City Police ang 11 drug suspect sa isang drug den at nakumpiskahan ng aabot sa P1,700,000 halaga ng shabu sa isinagawang entrapment operation nitong Sabado.

Kinilala ni PDEA Central Luzon Regional Director Bryan Babang ang mga suspek na sina Ma. Carmita Gonzales, 59, ng Brgy. Lapaz, Makati; Emmie Leynes, 54, ng Brgy. 766, Manila; Rosmel Muan Dupitis, 49, ng Villamor Air Base, Pasay; Erwin Lucero, 55, ng San Andres Bukid, Manila; Rex Peterson, 22 ng Brgy. Lapaz, Makati, at Irene Bacolod, 36, residente ng San Andres Bukid, Manila.

Kabilang din sa nadakma sina Jehan San Juan, 40, ng San Andres Bukid, Manila; Criseldo Gonzales, 64, ng Lapaz, Makati; Leah Perez, 41, ng Brgy. 688, Manila; Reyna Raeli, 47, ng San Andres, Manila, at Jonathan Moras, 39, naninirahan sa Lapaz, Makati City.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang 250 gramo ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at marked money.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.