Abante Tonite Interactive

11 tinimbog ng NBI sa illegal quarrying

292

Ni Juliet de Loza-Cudia

Arestado ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang siyam na Pilipino at dalawang Chinese na sangkot umano sa illegal quarrying kamakalawa sa Floridablanca, Pampanga.

Iprinisinta ng NBI sa mga mamamahayag ang naarestong sina Jiemvo Cadorna, Dranreb Gegante, Joey Espanola, Ruben Garcia, Danilo Carida, Erik Quiambao, Wilfredo Gonzales, Mary Jane Nguid, at Antonio Buyson.

Kasama ang mga Chinese national na sina Geng Ping at Ge Wei Chen.

Nag-ugat ang pag-aresto sa grupo nang magreklamo ang Palakol Quarry and Development Corporation nang madiskubre na nagsasagawa ang mga ito ng illegal quarrying operation ng mahigit tatlong taon na sa Gumain River sa ilalim ng Antonio Buyson Quarry at Riah Yuan Vibro mining company.

Nilinaw ni Czar Eric Nuqui, hepe ng NBI-EnCD na ang mga naaresto ay may mining permit pero nagsasagawa ng quarrying operation sa labas.