Abante Tonite
Mabilis sa Balita

110M Pinoy lubog sa P11 trilyong utang – Lacson

0 111

Maraming malalaking problema ang sasalubong sa susunod na lider ng bansa at kabilang na rito ang mahigit P11 trilyong pagkakautang ng pamahalaan na posibleng lumobo pa, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Kung kaya’t sinabi ni Lacson na pinakaseryoso at pinakamahalaga ang eleksyon sa 2022 dahil sa napakaraming suliranin na kinakaharap ng bansa lalo na ang pandemyang sanhi ng COVID-19.

“There are now 110 million Filipinos. Easily each of us, even those born just today, will already be saddled with a debt of P100,000,” ayon kay Lacson.

Ang mahigit P11 trilyong pagkakautang ng pamahalaan na naitala nitong Mayo ay siguradong lolobo pa aniya hanggang matapos ang administrasyong Duterte.

Dahil dito kung kaya’t nanawagan si Lacson sa mga botante na maging matalino at mapagmasid sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa bansa.

“My hope and prayer is that the campaign leading to the May 2022 polls will be a campaign of issues, and not a campaign of entertainment,” dagdag pa ni Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.