Abante Tonite
Mabilis sa Balita

111 stranded Pinoy galing China dumating

0 367

Nasa 111 stranded na mga Filipino seafarer mula Fujian, China ang dumating sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagmula ang 101 stranded Filipino sa siyam na Chinese fishing vessel na umalis sa southeastern Chinese province noong July 11 sakay ng carrier vessel na Star Mariner.

Habang patungo na sa Pilipinas, sampu pang stranded Filipino seafarer kabilang ang dalawang bangkay ng Filipino seamen mula sa na-stranded na barko sa Indian Ocean ang naisakay sa Star Mariner.

Sumailalim sila sa COVID-19 swab testing at maninirahan pansamantala sa mga government quarantine facility habang naghihintay ng resulta ng kanilang RT-PCR test.

Leave A Reply

Your email address will not be published.