Abante Tonite
Mabilis sa Balita

112-anyos pinakamatandang World War 2 veteran

0 199

Nasa 2,952 sa mahigit 150,000 na Pilipinong lumaban sa World War II ang buhay pa at pinakamatanda sa kanila ay ang 112-anyos na si Sgt. Malomalo Salag, ayon sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).

Pinanganak si Salag noong 1909. Bukod sa kanya, mayroon pa umanong higit 270 sa mga war veteran ang may edad 100 pataas. Kabilang na sina Sergeant Alangadi Mauna; Monera Paday; Macaalang Ditanto na pawang 111-anyos.

Ayon pa sa PVAO, sa kanilang datos mayroong 2,635 veteran ang nasa edad 90 hanggang 99, habang 38 naman ang edad 80 hanggang 89.

Kabilang sila sa mga naging saksi sa Fall of Bataan noong Abril 9, 1942. Patuloy silang tumatanggap ng buwanang pensyon at libreng medical aid. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.