Abante Tonite
Mabilis sa Balita

112 na tinodas ng virus sa PNP

0 61

Pumalo na sa 112 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa COVID-19 matapos na madagdagan ng dalawang bagong namatay.

Ayon sa PNP Health Service, si Patient 111, ay isang senior master sergeant na namatay dahil sa acute respiratory failure habang si Patient 112 ay isang corporal na pumanaw sa pneumonia.

Si Patient 111, ay partially vaccinated habang kumpleto na umano ang bakuna kay Pa­tient 112.

Nasa 254 naman sa mga police officer ang nakarekober na mula sa sakit kaya’t umakyat ang bilang sa 35,010 simula nang tumama ang pandemya sa bansa.

May 186 na bagong kaso naman kaya’t umakyat sa 2,612 ang mga aktibong kaso.

Sinabi naman ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na sapat ang resources nila para mabigyan ng agarang atensi­yong medical ang mga pulis na maiimpeksiyon ng coronavirus. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.